Wednesday, April 13, 2016

Love Nonsense

I have this friend that just came out of a heartbreak. And then pinaglalaban parin nya kahit ayaw na nung kapartner nya.  Martyrdom na talaga si ate. Kaya naman natanong ko sa sarili ko, bakit ba pinaglalaban parin yung pag-ibig kahit naman na it manifest na ayaw na nung kabilang party?
Sa kaibuturan ng matigas kong puso, alam ko ang sagot. Ano? Dahil masarap umibig. Dahil sa lahat ng emotions na pwede mong maramdaman, eto yung pinaka hayahay. Eto yung feeling na mapapasinghap ka na lang kasi iba yung sarap na alam mong may minamahal ka at may nagmamahal ng pabalik sayo.
Pag nagmamahal kasi ang tao, lalo na kung first love, meron tayong tinatawag na assumption of risk. Eto yung gagawin mo lahat makasama lang ang tanong mahal mo. “You and me against the world” ang peg nyo. Na wala na kayong pakealam kung ano mang sabihin ng ibang tao, basta ang mahalaga ay magkasama kayo. Sa una, hindi mo ramdam na may risk na tinatawag kasi hot pa kayo, hayok ika nga, kasi iba talaga yung feeling. Yung feeling na sya lagi yung iniisip mo. Dati hindi ako naniniwala na kapag inlove ka hindi ka makakakain, pero day, nung naramdaman kong mainlove, ay inday, hindi ka talaga makakakain. Hindi ka makatulog, hindi ka functional. Not literally but in a sense, kasi nag iiba yung mundo mo. Rapid change talaga ate, yung dati na sarili mo lang iniisip mo, ngayon kasama na sya. Gagawin mo lahat makasama lang sya. Susuungin ang baha, wag kakain para may pandate or pamasahe. Magpapapayat or magpapaganda para lang sa kanya. Pero ate, sa simula lang yan. Sa pagtagal ng pagsasama nyo, eto na, dadating na yung time na mararamdaman mo yung risk na sinasabi ko kanina. In my case and also my friend’s case, that’s what happened.
Habang tumatagal, mas nagiging comfortable kayo sa isa’t isa. Habang dumadami yung away, hinahayaan nyo nalang matapos yung araw na hindi nagbabati tapos bukas ay panibagong araw na naman. Eto na yung tolerance part. Dito mo na mararamdaman yung risk. Dito ka na mapapatanong kung bakit nasa relasyon ka pa na ito, na bakit ba kayo nagkakasakitan, na paano ba kayo umabot sa ganitong sitwasyon. (Insert kantang TORN)
Madalas, ang nagiging desisyon ng mga kagkarelasyon ay mag stay. Dahilan? Kasi matagal na daw sila. Saying naman yung pinagsamahan sa matagal na panahon, na ang dami nyo nang pinagsamahan sa kahit anong problema, ngayon pa ba kayo bibigay? Ganyan din ako nung una, ayokong makipaghiwalay. Pero nung tumagal, nag initiate akong makipag break kasi parang wala na akog karelasyon. Na parang andun sya pero wala. Yung mapapatanong ka nalang na ano na ba talaga tayo? Tayo pa ba? Kaya pa ba? Kasi parang wala na eh. Pero hindi sya pumayag, kesyo dami na naming napagsamahan. Dami na nakakakilala samin as couple. Na hindi sya sanay na wala ako. Basta, di ko na maalala. Napapayag nya ako. Nag stay parin ako. Nagsimula ulit kami. Pero wala na talaga ate.
Sa huli? Sya narin ang kumalas. Ako parin ang nasaktan. Mukha akong kawawa nun. Pinipilit kong ayusin lahat. Pero wala na talaga. Nung handa na akong ayusin lang lahat, sya naman yung may ayaw. Naging ako si NINA na kumakanta ng ANYTHING FOR YOU. Hayy buhay. Sobrang sakit ate. Hindi ko kinaya. Umiyak ako magdamag, pero pumasok parin ako kinabukasan. Kase ano? Mapapakain ba ako ng luha ko?
After nun, hindi parin ako makamove on. Nag resign ako sa trabaho. Nag aral uli. Hindi parin ako makamove on. Paminsan minsan bumabalik sya. Pero kahit hindi parin ako nakaka move-on, alam ko na ayaw ko nang bumalik. Na ayaw ko nang masaktan. Ngayong masaya na sya sa bago nya, at nasa stage na naman sya ng hots, eto ako. Nasa stage parin ng moving on. Hindi ganun kasaya pero atleast, natuto ako.

Ngayong nagsisimula ulit ako, meron paring assumption of risk, oo. Pero natutunan ko na kelangan mo syang ihandle not just with ordinary diligence, kelangan extraordinary diligence. Na wag basta nalang ng basta. Na hindi dapat rapid steps, pwede gradual, per as much as possible dapat baby steps ang pagpasok sa isang relayon. Oo ate, binigay ko lahat last time, kaya ngayon dapat konti konti. Inot inot ika nga. 

No comments:

Post a Comment